Tuesday, June 12, 2018

Maulang Gabi

Maulang Gabi sa Buwan ng Hunyo

Dibdb ko'y kakaba-kaba
pagkat sa bintana'y nasilayan ka...
bantulot akong isigaw ang ngalan mo,
napipi ang dila naunsiyami ang aking sadya.
Oo at wala na ngang iba... mahimbing kang natutulog
sa gitna ng kidlat at kulog...
iniwan ang ngalan kong nagsasabing ako'y nagawi...
malakas ang ulan..  Oo, ako'y nabasa... ngunit di naging sawi.
(pagkat nakita kita, Oo, nakita kita)

No comments: